Just a year ago, I said goodbye to a lot of my students. Fourth year na sila, haharap na sila sa bago at kanikanila nilang buhay. It was a very sad moment for me to say goodbye, sa kanila din naman yata kasi they told me they would miss me, mukha naming totoo. Dumating na yung last meetings nila at ganito din, nagspeech dina ko sa kanila. Tradition ko na ata magspeech ng ganito sa mga 4th year students na nahahabdle ko kapag paalis na sila. Pero bakit kaya ganun? Sanay na nga dapat ako diba pero bakit this time lalo pang nagging mahirap para sa akin? Hmmm bakit nga kaya.
Nung una ko kayong nahandle, kayo lang ang kaisa isang VB.NET Class ko. Yun ang very first time ko na maglecture ng VB, very first time ko humandle ng Lecture Class na Programming at very first time makahandle ng BIT Students. Mejo natakot ako kahit ikalawang Smeester ko na kasi hindi pa ako nakakahalubilo ng BIT Students noon. Akala kasi naming noon kapag BIT magugulo, hindi masaway, gangster! Kahit pa nung student kami, hindi naming kaclose ang BIT, hindi kami nakikipagusap sa kanila at ganun din anman sila sa amin kahit na isang college lang kami. Pagpasok ko sa room nyo kabado ako, sabi ko hala ang dami! VB kasi elective so what do I expect diba pero mejo nagulat padin ako.
Dumaan ang mga araw, mejo magulo, mejo magulo, ang gulo, ang ingay! Mejo napapalagay nadin loob ko sa inyo paunti unti hangang sa dumating ang prelims at nasabi ko aba, mahuhusay ang mga batang to! Natatandaan ko pa namatay yung mommy ko noon at sa hospital pa ako nagchecheck ng prelim exams nyo. Mas nakilala ko kayo pagdating sa grades at sabi ko, hmmm iba ata tong section na ito sa stereotype ng mga IT na pagkakalam ko! Mahuhusay! Walang bagsakin! Halos lahat pasado at matataas pa! pag balik ko sa school, ok na! Una kong nagging kaclose syempre ay yung mga kasama ko sa lab! Natatandaan ko pa noon sina Alyzza na lagging late! Si Emmie na andun sa sulok sa may pintuan kasama si krissel. Katabi nila noon si Ryan at si Carpio na lagi lagi naman absent! Tapos ayun si Kim na parati nalang akong iniissue na favouritism daw kay Eunice kasi lagi nalang daw ako sa tabi ni Eunice tapos sya daw di ko tinutulungan! Andun din noon si Johanna na tahimik lang din sa may kabilang pintuan! Si Richelle na madalas nauunang magpacheck! Kung hindi man mauna si Mayora, lagi naming natatapos! Di din naman mawawala sina JC at Borj na napakaingay! Sila lagi ang gulo! Si Andru naman at si Anton na noon eh hindi ko maalala kung who’s who kasi magkasunod yung Surname nila! Pero wala naming problema sa grades kasi halos lagging perfect ang activities! Si Rodelio naman na mataba pa noong time nay un at si Marnette na mabilis din sa activities!
Pero syempre ang hinding hindi ko malilimutan sa Lab ay Alam nyo naman kung sino diba? Sino nga ba? Si Jaena! Si Jaena na parati nalang nagrereact! Pagpasok ko lang ng pinto at natripan ko magjoke ng five minutes left kahit 1 hour pa Biglang tumayo at nanlaki ang mata! Ako yung nagulat lalo sa kanya! Never ever ko malilimutan yun Jaena! Doon palang pala nagpamalas ka nang angking talent sa pagarte!
Sayang nga lang talaga at hindi ko nahandle yung other half ng class! Pero grabe may experiences din naman ako sa kanila noon! Kapag may sasabihin ako noon kay sir aspa, Grabe! Sabi ko Classroom ba ito or sementeryo? Ni walang nagsasalita! Akala ko tuloy mga tahimik talaga yung mga nasa kabila. Although kumpara naman talaga sa mga nasa lab ko eh talagang mas matatahimik sila! Pero hindi naman to the point na para bang mas maingay pa sa lamay kesa sa COS106 na yun! Nakakapanghinayang na hindi ko sila gaano nagging kaclose noon.
Pero nung dumaan ang midterm at ang finals, talagang napalagay na ang loob ko sa inyo! Kahit hindi man tayo ganun kaclose, at least ok naman tayong lahat. Nakakapagtaka nga bakit konti lang mga pictures natin noong VB natin eh! Mejo nanghinayang talaga ako noon.
Dumaan ang summer at ang first semester, nakakasalubong ko kayo sa daan! Lalo yung mga boys madalas ko nakikita sa may lake kapag papasok ako sa west. Naisip ko noon magiging students ko pa kaya ulit sila? Sana kasi mababait naman yang section na yan eh!
Nung magbibigayan na ng teaching load noong magsesecond sem na, naaalala ko noon, pinalagay pa sa akin sa list of subjects na gusto ituro, nilagay ko VB, SAD, C, Automata, Graph Theory at BCS42. As in gusting gusto ko talaga maging students ulit yung BCS42 kasi sila yung pinakaclose kong section talaga. And then ayun kinausap ako ni maam tita if gusto ko daw ng ASP sabi ko Ay maam ayoko na muna po, pero syempre hindi ko na sinabi na may mga ayoko ng balikang pangyayari pa sa ASP ko last year. Pero nung nalaman ko na BIT4th year ang mag ASP nanghinayang din naman ako kasi nakita ko BIT45. Pero hindi padin matalo ng kagustuhan ko na manhandle ko kayo yung kaayawan ko sa ASP eh. Hangang sa nung nasa bakasyon ako sa Bacolod, tumawag si Kathleen! Uy Steve! Kinusap ako ni maam tita! Sabi bibigyan ka daw ng ethics! Sabi ko WOW! Eh may ethics ang BCS so baka ayun, ibibigay sakin yun 42! As in buong araw nay un pakantakanta ako magisa at natutuwa ako na mahahandle ko ulit ang 42! Pero nung dumating na ako sa bahay at nabasa ko na email ni maam, hindi 42 yung nakalagy kundi BIT45! Sa totoo lang Mejo nalungkot ako kasi hindi ko pala makukuha ang 42, pero di naman ako super down kasi at least kilala ko nadin yung mahahandle ko! BIT45! Eh gusting gusto ko pa naman kapag nahahandle ko ulit ang mga previous handled classes ko! Besides parang hindi ko naman natatandaang nagalit ako sa inyo (which is almost sa bawat section na nanhahandle ko nakakatikim sa akin)
Hangang dumating na nga yung first day of school. Papasok ako sa room nyo at syempre alam nyo naman ang sir nyo, kapag gumimik wagas! So ayun mejo pretend kunwari na hindi ako tapos di naman napigila ng tawa ako! Ayun mejo kabado padin ako kahit na nahandle ko na kayo kasi uanng una, first time ko ituturo ang Ethics! Ni hindi nga kami nagkaroon ng ganyang subject nung college eh at ikalawa, hindi ko naman kayo noon super super close na as in super to the highest level! Kay aayun dumaan ang November, napansin ko parang mas nagging close na ako sa inyo! Mas lalo ko na kayong nakilala kasi kung noon once a week lang tayo magmeet, ngayon twice na!
Yung mga nasa kabilang lab nakikilala ko nadin! Yung mga kinalilituhan ko nung first sem saulo ko na! Sina Leonor at ledesma, Sina Eunice at Jaena at lalo na sina ferry at Ortega! Diba ang weird pero sa totoo lang nalilito talaga ako sa kanila noong 35 pa kayo! Mas nakilala ko pa kayo ng lubos na hindi naman pala kayo magugulo, maingay lang talaga yung term! Anjan yung may kakanta sa likod sa banda nila krissel! Tapos may magtatawanan dun sa kabilang dulo! Tapos mamaya sina Ortega nagiiPad na doon habang magqquiz! Pero hindi din naman ako naiinis kasi masaya naman tayo sa room eh! Besides tahimik naman kayo kapag nagdidiscus! Yun nga lang hindi ko masure kung nakikinig ba kayo or hindi kasi hindi kayo mahilig sa recitation mashado! Hangang s anaisip ko anu kaya magandang project sa mga to? Mahuhusay naman tong mga to kagaya ko sa ibat ibat larangan ng sining! Ethics? Mapagresearch kaya tapos reporting? Ay Boring! Role playing kaya? Naku baka naman magtawanan lang kami! Aha! Short Film! Mukhang kaya naman nila at di naman magrereklamo yung mga yun eh! Besides mahilig ako sa short film at magdirect direct na ganyan soi baka naman ok lang dins a kanila. So ayun na nga nagging project natin natuwa nga ako nung groupings at meeting kasi mukhang excited naman kayo! Hangang sa dumaan ang midterm at finals na every Tuesday nalang Thursday lagi akong excited gumising, manghiram ng projector, kasi makaksama ko ang BIT45! Naging routine na sa akin na maging masaya kapag martes at huwebes. Kasi masaya tayo sa room kahit kanya kanyang mundo minsan, masaya padin!
Nagsimula ko talaga kayong maging gustonggusto bago dumating yung DevCon seminar na yun! As in nung nalaman ko yung kila Eunice na sasali kayos a mga contest, talagang sabi ko ay naku manunuod ako kahit ano mangyari! So may class ako noon ng 7-10 am so sabi ko naku 10 naman makakapanuod ako so ayos! Then nung nasa class na kami sa lab, mga 8 am nagtext si Eunice, magsastart na daw in 30 minutes ata! So sabi ko naku naku kailangan ko mapanuod! Pero wala talaga akjong magawa kasi may class ako eh hangang 10 pa yun. Pero ayun nung magna9 am na nagtext si Eunice na start na daw. So ako naman una deadma pero mya mya parang sinisilihan na yung tumbong ko! 9:05 na hindi pa tapos mga students sa activity. Biglang sabi ko nalang sa mga bata Ok class isave na yan at ipagpapatuloy natin yan on Thursday ok? Sabi pa nung isa Sir Yung equal sign nalang po” Ay nic enice sige sige sa Next week na yang equal sign mo! Sige po labas na kayo! Nagtataka mga bata pero naglabasan naman sila at dun na nagsimula! Doon na nagsimula ang pagtakbo ko papuntang alumni para maabutan ang quiz bee! Pagdating ko doon magsisimula na ang final round! So ayun at least umabot! Pagbaba n Ada sa stage magkakasama na kami dun sa gitna! At nung nanalo na ang BIT45 grabe as in todo sigaw na ako! Todo sigaw na walang lumalabas sa bibig! Naisip ko grabe pala feeling ng nanalo students mo sa contest! To take note pa na wala naman akong students sa ibang section kaya naman todo lang ang sigaw ko! Napapatningin nga mga section sakin siguro sabi “teacher bay an” pero go padin ako! Tapos nahila pa akong debate debate something pero go padin kasi andun naman kayo eh! Kung wala kayo dun naku magisa kayo jan! Wahahahaha Pero syempre ayoko naman mapahiya sa inyo kaya go naidn ako! At yun na nga nung natapos na yung debate, lunch na! sabi ko ay uuwi na ako makatulog! At yun nagpaalam na ako sa inyo after ng picture natin sa may likod. At nagbabye na. tapos lakad ako pagate 1 tapos tawid. Nung may jeep nan a palapala sabi ko ayun! Tapos nung pasakay na ako,a s in nakawak na ako sa bakal nung jeep, bigla ba naming “Ay teka gagraduate na sila, saying naman yung chance na makasama ko sila, ngayon pang nakakaclsoe ko na sila. Siguro nga binigay na nga ni Lord tong time na manhandle ko ulit kayo for a reason. Siguro dahil nabitin ako sa inyo last sem kaya ko kayo ulit na handle and now, hahayaan ko lang masayang yung chances” Oh dba ang haba, ganyang katagal akong nakatanga sa jeep hangang sa naisip ko talagang bumalik! Pagtalikod ko, dami na palang nakasunod sa akin na sasakay! Grabe para akong tanga! Nakatingin sila sakin na parang “Huh!?!?” pero di ko nalang pinansin at tumawid na ako! Para akong tanga nung pabalik na akong alumni! Para akong batang nakabackpack na excited umuwi ng bahay kasi may handaan pa!
Hangang sa pagb alik ko ayun lunch na nakasalubong ako ni maam Gloria! PInapupunta ako sa Museo kasi may food daw kaming mga faculty! Pero sabi ko ay thanks po Maam Gloria! Doon nalang po ako sa mga bata! Tapos sabi andun daw yung food sa museo pero sabi ko padin thanks maam busog pa po ako pero sa totoo lang di pa ako kumakain! Wahahahaha so ayun pagdating ko doon sa Alumni hanap ako ng 45 wala ako Makita nasa loob ata hangang sa nakita ko sila Gly duns a isang sulok takbo agad ako! Wahahaha hangang ayun lunch na at ikunuha pa ako nila Kima t Ada ng KFC! Katuwa! Hangang sa ayun balik na sa taas at hangang sa nainip akong umuwi at nagpaalam kay maam glo.
Ayun pasahan na ng project! Sooobrang excited na ako nung Tuesday na yun tapos pagpasok ko mga nakalaptop pa lahat sabi ko wooow! Nagbuburn na mga loko! Hangang sa malaman ko na isa palang pala makakapgpasa! Wahahaha pero syempre hindi naman ako nagalit diba! At bakit naman ako magagalit eh ako tong magpapaproject ng mahirap kapal naman ng fes ko! At kinabukasan hindi padin nakakapagpasa yung iba, nadatnan ko sina Franz sa Kubo nagrerender sabi ko o cge hangang 9! Tapos nugn mageeight na takbo na ako sa CSD andun naman si Makoy super render din mejo naawa nga akos abi ko nu ba naman ginawa kos a mga batang to! Hahahahaha Pero nung pinanuod na naming ng judges ang mga movies, wala na akong masabi! Altough napapa anu bay an ako noon kasi grabehan yung mga cd hindi pa napapasa at nabuburn pero ewan ko ban i hindi ako nakaramdam ng galit or inis noon kasi yung iba hindi umabot sa deadline? Nagtataka ako na bakit imbes na manlata ako, eh EXCITED pa lalo ako! Kahit nga ang mga judges noon excited na excited at kami pa naman yugn tipong kapag walang klase, ayaw naming ng pumapasok, taong bahay kasi kami mula pa college pero kayo, iniba nyo yun! As in pumasok ako ng maaga! After naming mapanuod lahat ng entries super super sarap ng feeling! Feel ko nasa alapaap ako at wala kong tigil sa mga judges na, students ko yang mga yan ang galing nuh! Students ko yan!!!
Hangang sa nung pauwi na ako nagtext ako kila gly kung may pasok nba kayo bukas! Nung nalaman ko na meron sabi ko eto na naman, chance na naman na makasama ko yung mga gumawa ng movies na pamatay, palalampasin ko na naman ba! So ayun Pasok padin ako ng Thursday! Walang ibang razon kundi makasama lang kayo! Hindi naman ako nabigo at napakasaya ko padin naman nung araw na yun! Hangang sa nakisit in na ako kay Maam Lyn na ang kapal kapal ng mukha ko hahahaha tapos dapat 4 uwi na ako pero di pa daw tapos yung incognito sabi ko ok lang naisip ko naman hinatyin sabi ko hangang 5 30. So ayun humanap muna ako ng room na matatambayan hangang sa natapos yung incognito group ng gabi na andun padin ako! Nung jinojoke nyo ako na andun pa ako eh gabing gabi na, ako man din nagtataka! Kasi hinding hindi nyo ako mapagsstay ng school ng ganun AS IN! Kahit nung student pa ako hangang nagteacher ako dapat by 5 nasa byahe na ako! Pero bakit nung time na yun baliktad kasi hindi lang ok sa akin na magstay doon, ayaw ko pa talagang umuwi! Kaya nga nung nagtataka sila Eunice bakita ng tahimik ko na nung time na yun akala nyo kasi nagagabihan na ako pero sa totoo lang hindi! Doon ko talaga nafeel kung gaano kayo kasaya kasama! Na sana noon ko pa kayo nakasama ng ganito! Na sana nabuhay nalang ako two years later para nagging classmate ko pa kayo at ngayon ilang meetings nalang matatapos na, maghihiwahiwalay na. hangang sa nung nasa jeep na ako pauwi, para akong nasa music video, nakatingin lang ako sa inyong lahat nhangangs a umandar yung jeep! Todo isip padin ako abouts a inyoa t nung sobrang nagsenti na yung utak ko sa may bandang kadiwa mall, doon na ako nagsimulang maiyak. As in nung patulo na yung luha ko, humarap na ako sa bintana, madrama kasi talaga akong tao! Ako din yugn tao na kapag may sakt or sobrang nasstress or sobrang nahihirapan or nasasaktan, hindi mo ako mapapaiyak! Pero kapag natotyouch ako or nakakamiss ako ng isang bagay doon talaga ako mababaw. At yun nacompose ko naman agad ulit yungs arili ko kasi para lanag akong tanga na nasa music video na wala naming tugtog! Tapos napansin ko wala naman pala mashadong tao sa jeep so ayos lang pero pagharap ko, may lalaki palang student sa harap ko ang mukha grabe kung makikita nyo lang matatawa kayo! As in ang tingin nya sakin “PROBLEMA NITO” kasi nga super nagdadrama ako nung time na yun hangang sa makauwi ako sobrang lungkot ko maisip ko lang yung fact na maghihiwahiwalay na tayo
At nung dumating na ang showing day, sobrang excited na ako na kahit na 4 am na ako nakatulog sa pagconvert at pag gawa ng certificates nyo, nung bandang 6 am na kusa padin ako nagising at bangon agad! Pag bagong ko sabi ko tyhis is it! Eto na! hangang sa nagsub pa ako kmaam paguio at mejo nalate pa ako dahi lsa sobrang excited ko naiwan ko yung laptop nung papunta na ako cabeza tapos nung malapit na ako cabeza tape naman at gunting naiwan ko hangangs a nagstart na nga super super saya ko nung isa isang dumating yung mga teachers very touching yun para sa akin! Kasi yung mga dating teachers mo lang, nandoon at sumusuporta sa iyo! Para sa isang teacher, masarap ang feeling noon. Pero lalong mas masarap yugn feeling na napanuod nila yung gawa nyo kasi sobra sobra ko kayong pinagmamalaki sa department! Nawala na nga hiya ko nung pati sina maam tita kinatok ko pa sa room nya habang busy just to invite her sa event natin. It was so much fun lalo na nung awarding just to see how happy you are sa mga efforts ko na may awarding pa! It was so touching to see your faces sa bawat awards na natatanggap nyo! I can see na big deal talaga sa inyo yung saya na nararamdaman nyo nung moments na inaaccept nyo yung awards nyo! Especially yung face ni Roda nung tinawag na syang Best Actress! Natural na natural! As in yung nakakasigaw sya nung una tapos di nya alam sya pala yung tinatawag! Kitag kita ko yun parang pelikula tapos nung bingay ko yung award nya naiiyak pa sya at sobrang sobrang saya ko nun! You guys made me so happy that time! After noon uwian na naisip ko ay gagaw apa tung mga to ng ASP! Wag muna kaya kong umuwi ako naman todo nakitambay sa inyo sa kubo! Nakakaabala man, andun ako wahahahaha pero masaya naman hangang sa nung nararamdaman ko na yugn antok ng bandang 4 pm magpapaalam n asana ako pero biglang nagscan kami nila merbie ng mga lumang pics nyo at nabuhayan na naman ako bigla! Hangang sa ayun picture picture na tayong lahat super saya tapos pinipicturan mga awards at yung tarp na nagpunta pa kayo sa CIHM! After ko magpapicture sa kubo jinoke ako ni Bardiano! Sabi sakin Sir, may award din po kayo! Ako naman anu yun Frue? Eto po sir Best Teacher! Eh diba sabi ko nga sa inyo kanina napakadali kong matouch! Minsan ng kahit bola eh natotouch padin ako! Nung sinbab talaga ni frue yun ayan na naman ako paluha na talaga ako nun kaya takbo agad ako sa mga nasa CIH na nagpipicturan kasi maiiyak na talag aako kapag nanatili ako don eh ang dami kayang tao baka sabihin aagawan ko pa si Borj ng award sa best actor! Hangang sa dumating yung gabi picture picture super super saya! Hangang sa makauwi ako at magbyahe nakangiti ako ng kusa hangang sa paguwi ko, 10 na, di padina ko natulog UPLOAD AGAD! pero syempre nung naisip ko na naman na malapit na, malapit na, malapit na yung paalaman natin! Hangang Eton a yung time na yun.
Sabi ko ayoko na maging ordinary lang tong araw na ito! Buti nalang wala akong pasok ng lunes at makakapghanda ako! Umaga palang umalis na ako! Nagpadevelop tapos sabi balikan ko daw ng 4 so balik naman ako ng sm Rosario ng hapon paguwi naisip ko, mapagluto nga mga bata! So ayun effort na naman widraw muna sa atm pambili ng ingredients kasi gusto ko matikman nyo yung specialty ng pamilya naming! Sabi ko ko sana matuwa naman mga bata sa gagawin ko! Hangang sae to gawa ng movie ng gabi tapos typa pa ng letter! AYAN SAKTO NG 12 AM! So para sa inyong lahat, before you leave our school,
Johanna nasaan ka man ngayon, I hope nafefeel mo na you’ve been part of our class! Hinding hindi ko malilimutan si Johanna kahit pa nung VB.NET days npalang lagi syang tahimik pero palabati talaga sya kahit saan ako Makita!
Julius and Adrian – maraming Maraming salamat dahil nagging part ka ng klase namin! I hope na hindi kayo nagsisi whatsoever na sumama sa class natin na ito kahit napalayo pa kayo sa friends nyo kasi kami, for sure, masaya kami na nakasama naming kayo.
Alyzza – Thank you very much kapag lagi mo akong binabati saan man tayo magkita lalo nung di ko kayo handle last sem! Nakasakay pa nga kita noon sa jeep diba? Stay as nice as you are kasi I can see that you are a good person inside and out!
Krissel – Salamat sa pagpapakopya mo sa akin ng crazy little thing called love na movie nung VB days! Nagtataka talaga ako anu bay un tapos ang ganda ganda pala! Hindi ko malilimutan yung pagkantakanta mo at pagiging masiyahin mo! Very contagious yun kaya always be happy para happy lahat J
Raine – Emmie as I often call you before, hindi ko malilimutan yung kakulitan mo! Small but terrible ka talaga! Hindi ko expect na ganun ka katalentado since nakita kita sa The NotificatioN! Ang husay! Isa ka sa mga taong tralagang super nafeel ko na masayang masaya at very thankful sa filmsest natin mula palang nung nagpipicturan tayo dun sa xeroxan sa tapat! Thank you so much you mad eme happy!
Boss Ryan – Isa sa pinakamahuhusay sa room hindi lang pala sa larangan ng grades kundi pati nadin sa pagdidirect! I can see your passion for films and all I can say is keep it up! Follow your heart and hindi malayong marating mo ang gusto mo! Basta kapag kailangan ng extra sa movie mo friends naman tayo sa FB diba!
Kim – Isa sa mga pinakauna kong nakausap sa room! Maraming maraming salamat sayo at nagging mabuti ka at matulungin sa akin nung mga oras na kinikilala ko palang mga classmates mo! You’re a natural leader and you should keep it up! Always keep your head up! You’re a strong person and I know na hindi mo na kailangan pang magadjust sa world after graduation but always remember andito lang kami anu man mangyari!
Zamir – Aking kababayan! Nakakasabay na kita noon sa jeep nugn student palang ako kaya nung nakita kita sa room nung VB sabi ko ay may kababayan akO! Alam mo naman siguro ang feeling kapag may nakita kang taga gentri sa room kasi hindi naman tayo ganung kadami ditto sa lasalle diba lalo tayong mga taga malabon! Ipagpatuloty mo lang yang kakulitan mo kasi nakakatuw anaman in fairness hehehe
Rodelio – Sa lahat lahat of course ikaw ang pinakainspiring para sa akin! You chose to live healthier and sana talaga someday majkuha ko din yung disiplina mo! Always remember na kahit saan ka pa mapunta after graduation andito lang clasamtes mo at ako dahil kuya mo ako!
Jonna – nagpapasalamat ako dahil student kita ngayon sa ethics kasi hindi kita mashadong nakasama noon sa VB. Always remember na we’re all here for you and wag mo ng patungan yung kulay ng buhok mo kasi bagay na bagay yan sayo!
JC – maraming salamat sa pagpapabuhay mo sac lase natiN! Sobrang gulo mo sa room everytime grabe! Pero alam mo kung bakit hindi ako nagagalit kasi kilala naman kita na mabait ka namang tao at gusto mo langf talaga na lagging masaya! Masaya kami sa class kapag kasama ka naming salamat!
Borg – Ang best actor ng clase! Grabe very hyper active mula pa man nung BIT35 palang kayosa VB Class! Ikaw yung taong hindi bumababa sa normal level ang energy! Maganda yang ganyan always alert and happy! You’ll go places so conitue that okay!
Richelle – Ang nagiisang Mayora sa aking buhay! Maraming salamat sa pagiging mayora mo at hinding hindi talaga kita malilimutan sa kulitan nating yan! I hope somedfay kapag successful ka na ay di mo padin malimutan si sir!
Anton – Oh diba talagang magkasunod! Maraming salamat dahil napakabait mo din sa akin! Tahimik ka lang pero lagi kang mahusay sa mga activities. Always be happy and stay as nice as you are because we are always here for you din!
Andru – Hinding hindi ko malilimutan sayo is yung buhok mo syempre! Kung ganyan din naman ang buhok ko eh pahahabain ko din kagaya ng sayo! Cool na cool ka lagi and very smart! Keep it up malalayo mararating mo!
Ada – Ada dear na isa din sa mga una kong nagging kaclose! Maraming salamat kasi napakabait mo sa akin! Napakamatulungin mo at lagi kang najan to help me in many ways! Natawa nga ako nung sinabi mo yung about sa nagpost ako abouts a mga nagspecial exam kasi nahiya ako sa inyo kasi todo post kako ng ganun eh nagspecial nga din pala kayo sakin nung term na yun pero alam nyonaman na di kayo sinasabihan ko nun diba! Hehehe Thank you so much and keep up the faith in God kasi nakakahawa yung pagiging faithful m okay Lord! You are very blessed kasi you always speak of His blessings as well.
Marnette – Salamat sa pigging daring mo! Joke! Salamat kasi mabait ka din sa akin from the start and if also, if you consider acting as a profession, support naman kita kasi is aka din sa pinagpilian naming for best actress kaya go lang ng go! Sir is always here for you Marnette!
Jaena – Ano to? Grabe Jaena is aka sa piankamay lasting factor para sa akin! As in ano ibig sabihin noon? Habang nasa byahe na ako pauwi nung Friday, naglalast padin yung Lines mo sa utak ko! Hangang sa napapabulong na ako sa jeep ng Anu to ng paulit ulti grabe ka talaga! Mula palangs a reaction mo nung VB DFays hangang sa mga words mo na Ang Chakka, Grabe hindi ako nadudull kapag anjan ka! Thank you so much for being here with us! Because thankfula ko nagging student kita!
Ferry – Si ferry na tahimik lang at mabait! Pero nung nagkaroon tayo ng chance na magusap nung Friday! Ang sarap mo palang kakwentuhan! Ang dami mong kwento at talaga namang very interesting mo kausap! Sayang nga lang di tayo nakakapagusap noon pa! Pero kung may time pa sana na magkasamasama ulit tayo, kwentuhan ulit tayo ok!
Renz – Graaabe! Ang mainstream director natin! Kagaya nga ng sinabi ko, yung level ng The Noitifications, Pang Regal! Talagang yung quality at pagpasok nyo ng stiry to film, ibang kalse talaga! Hindi sya chipipay kumpara sa mga pelikula ng GMA! Anghusay mo Renz! Someday kapag may tie up movie na kayo ni Ryan, invite mo ako sa premier night ah!
Makoy – Isa pang mahusay at very dedicated! Nung nakita kita sa may CSD na nageedit magisa grabe dun ko nakita kung gaano ka kadedicated! Nakikita ko kasi sayo yung creativity and yun bang kapag gumawa ng isang bagay eh pinagiigihan! Sana kapag may trabaho ka na wag mo padin kalilimutan si sir! Naniniwala nga ako sa sinabi mo na kapag nagapply ka kahit saan tanggap ka na diba! Totoo yun! I can also see that you are a very good friend to your friends and that goes a long long way! Keep it up!
Franz – Franz maraming salamat kasi nung last sem na hindi ko kayo student lagi ka ding palabati kapag nakakasalubong ko kayo! Laging smiling eyes kaya naman mukha lagging masaya! Im sure magiging successful ka after graduation kasi nung nakita kitang magsalita nung debate, nakakadala ka ng nakikinig sayo! Very serious sa pinaguusapan! Basta pag may umaway sayo, gawin mo lang yung scenes nyo sa Titit, ewan ko nalang kung diumurong ang kalaban!
Mei – Ang very sweet girl! Grabe akala ko talaga noon tahimik ka! Grabe ka pala! Hahahaha Super Kalog ka din pala at masiyahin! Always remember na andito lang si sir for all of you and that you should always be happy because we are happy for you!
Aljohn – One of the great minds of the class! You have proven na ang class nyo ay hindi lang pang acads! Pang extra curricular pa! Very multitalented indeed! Always remember to follow your heart in whatever path you choose kasi ikaw kahit anung work siguro mapunta sayo kaya mong gawin ng maayos at mahusay eh!
Roda – Grabe Roda, Kakaibang performance ang hinatid mo sa NotificatioN! Napakahusay talaga natural na natural! Lalong lalo na yung tili mo sa PCH panalo yun! Isa ka din sa mga smarty ng section and always remember na we a re all here for you no matter what! You’re a storng girl and you should keep it up!
Merbie – Very studious girl and super husay sa design! Grabe if you choose a careen in design someday soon, no wonder you’ll be great! Keep up the good work sa kasipagan and I am so so happy you have been part of my class! Thank you
Mark – Mrk Jayson Salute! Lahat na ata ng parts ng name mo naitawag ko na sayo! Thank you for always being nice to me. Nakikita ko na magiging very very successful businessman ka! Keep it up kasi we are all inspired by you! Salamat din sa times kitang nakakwentuhan! Im so happy na kahit papaano palagay loob mo sa akin! Punta tayo sa Coron Palawan ah!
Chesco – Ang speaker of the room! Grabe kapag ikaw ang nagsalita talagang nakakapersuade ng sino mang makakrinig! Bagay kayong magkatandem ni Ortega! Salamat kasi ang bait bait mo sa akin! Kahit saan mo ako Makita binabati mo ako! Hindi ko yun malilimutan! Basta don’t fforget na lagi lang andito si sir for you!
Kimberly – Suuuper tahimik sa room pero super bait din naman! Alam mob a once nagpunta kami sa starbucks ng mga classmates ko parang nakita kita! Di ko alam kung kamukha mo yun pero parang ikaw kasi tahimik din! Thank you din dahil nagseseryoso ka din sa ethics! Lagging mataas ang grades! Always smile okay!
Ulip – Ang super programmer! Alam mo, is aka sa talagang masasabi kong dapat maging developer after graduation! I can see how mouch you like na magprogram eh! You are born to do this Born to be in this field and Im happy na pinili mo tong course na match na match sayo! Great Job! Im so proud of you!
Ruben – RV! Ayan nakikiRV nadin ako! Isa ka din sa mga tahimik lang pero very very masiyahin! Salamat dahil ang bait bait mo sa akin! Kahit saan ako Makita sa school lagging nakangiti at bumabati! Maraming salamat kasi it brightens up my mood! Always continue being a happy person because we are happy too fif you are around!
Noel – Si Noel na counterpart ni Kimberly sa katahimikan! Super tahimik talaga kapag nasa room! Pero alam mo Noel, there are times na nakikita kitang nakatawa or nakasmile, kahit anung pagod ko nawawala lahat! Kaya always smile okay para masaya din kami lahat na mga friends mo!
And of course, may nalimutan ba ako?
Eunice and Glynis – Grabe anu pa ba masasabi ko sa inyo! Nasa inyo na lahat! Noon nga sabi ko ang galing talaga ng Dityos napakaFair! As in lahat may goods and flaws pero sa inyong dalawa ako inakanagtataka! Hwo on earth can someone be so perfect! As in lahat na talaga Looks, Brains at higit sa lahat napakabit nyo pa! Sabi nga sa kanta, I think para sa inyo yun, if perfect is what you’re searching for then just stay the same. You have always been so good to me from the very beginning. Pati nga si Glynis na hindi ko gaano kaclose nung third year kayo kasi nasa kabilang Lab pero wala na akong iba pang maisip sa inyong dalawa kundi panay good things! I am so blessed talaga to have been your teacher! I’ve had more than half a thousand students but you two just stood out flawlessly! Wala kayong ibang pinakita sa akin kundi kabutihan at kabaitan and I will forever be grateful to that! To know that this class will be leaving in a month just breaks my heart! Pero lalo na kapag kayong dalawa na ang maiisip kong aalis na, grabe ang sakit sa puso. Always remember na andito lang lagi si Sir Seven kahit saan man kayo mapadpad! Kahit saang field pa kayo mapadpad! Gly, Kahit saan ka pa mapuntang field, wala akong poproblemahin sayo kasi you are so so great in any way! You have a ll the qualities to be a great programmer, developer, manager, actress, pilot, police officer at kahit anu pang magagandang profession na maisip ko, bagay sayo at alam kong kaya mo! Eunice, ako, alam mo naman na alam ko kung ano talaga dream mo diba! Just Follow your heart! Hindi ko yung mahuhulaan ng ganun kung hindi sya nagsusumigaw sa personality mo! Basta yugn sinabi ko sayo ah! Try mo, walang mawawala! Don’t worry about sa course, wala yan sa course ok! Basta I’m sure you will be very very successful kahit pa sa anung field pero if your heart is there, it should be there! Sa inyong dalwa, eto lang masasabi ko, I was looking for thousands of students, I found two best friends! You guys are great and best friends to me! You two are my favourite students and everyone knows why J
Grabe Class 14 pages na yun! Basta ang huling words ko nalang is no matter what course you have in your diploma, wherever your heart is, Don’t be afraid to follow it! We all have dreams and we breathe and live to make those dreams come true! To make those possibilities become realities. Kagaya nga ng sabi ni mark Jayson Salute, Nobody said it’s going to be easy, but for all of you it is going to be worth it! Always keep God in the center of your lives and your dreams as your guides! Know what your dreams are and make it your map to your own success. Hindi nasusukat ang success sa kapal ng pera sa bulsa or sa taas ng position sapagkat walang ibang susukat ng tagumpay nyo kundi kayo lang din! Nasa puso ang tagumpay nasa kasihyahan! Mas mapalad ang taong mamatay ng nilibing sa sako na namuhay ng masaya kesa sa taong nilibing sab into na hindi nakamit ang kaligayahan.
Also, Graduate tayo ng LaSalle Dasma, Not Just LaSalle but laSalle Dasma! Always be proud na galing kayos a Dasma! Kagaya nga ng lagi kong naiisip, I’m happy Im a LaSallian, but I am PROUD to be From Dasma! Iba ang spirit nating mga Dasma! Someday, all the world will look upon us! I can see it coming.
And most importantly, Love your country! Hindi ko naman sinasabi na wag kayong magabroad kasi we all have our dreams basta never ever forget the Philippines! Yes nakakahiya mga leader ng bansa natin ngayon! But hindi yun dahilan para kamuhian natin ang basna natin! Remember leader lang sila tayo ang bumubuo ng Pilipinas so tayo lang din makakapagpaahon nito! Always put our country in your decisions next to God and your Family dahil wala ng iba pangmagmamahal ng bayan natin kundi tayo lang din
Ayan 1 am na! I will never ever forget each and everyone of you dahil kayo lang ang minahal ko ng ganito! Iba kayo BIT45! Ibang iba kayo! Mahal na mahal ko kayo ang sana someday hindi nyo padina ko malimutan! Kasi kayo, hindi lang kayo dumaan sa akin, tumatak kayo sa akin! You guys broke my heart into pieces, but in a good way! Kasi you guys all have pieces of my heart in your hearts and kung saan man lkayo mapunta always just look inside your heart and you guys will find me there! Hindi ko sigurado kung hindi nyo nga ako malilimutan pero isa langa ng sigurado ako, na hinding hindi ko kayo malilimutan! Kaya pala binigay kayo ulit sa akin ng Diyos kasi kung hindi, hindi sapat yung isang sem para makikilala ko ang pinakamamahal kong mga studyante! I Love you all BIT45!
No comments:
Post a Comment
Thank you for taking time to visit my space on the web. I would love to hear about you and your thoughts about this post. Feel free to leave a comment, it would really make me happy!